Nagdeklara na ang bansang Mauritius ng “state of environmental emergency” makaraang tumagas sa karagatan ang langis mula sa isang sea vessel.
Una rito, sumadsad ang MV Wakashio sa isang coral reef sa isang isla sa Indian Ocean noong Hulyo at agad na nailikas ang mga tripulante nito.
Ngunit naging problema naman ng mga otoridad ang pagtagas ng tone-toneladang langis mula sa carrier patungo sa karagatan.
Ayon kay Mauritius Prime Minister Pravind Jugnauth, may dalang panganib ang spill para sa bansa na nakadepende nang husto sa turismo at apektado rin ng coronavirus pandemic.
“Our country doesn’t have the skills and expertise to refloat stranded ships,” wika ni Jugnauth.
Sa hiwalay namang pahayag, sinabi ni French President Emmanuel Macron na magpapadala sila sa Mauritius ng isang pollution control equipment na bitbit ng isang military aircraft mula sa Reunion.
“When biodiversity is in danger, there is an urgent need to act,” wika ni Macron. “You can count on our support.” (BBC/ Al Jazeera)