-- Advertisements --

Inamin ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padila na kakaibang Maute terror group ang nakakalaban ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Sinabi ngayon ni Paddila, ibang taktika ang ginagamit ng Maute kumpara sa ibang mga grupo.

Aniya, hindi raw ito katulad ng ibang mga Maute noon.

Maging ang paggamit daw ng mga armas at pagdadala ng pampasabog ay ibang klase kaya naman kabilang ito sa mga dahilan na nagpapatagal na tuluyang ma-neutralize ang mga militante.

Paliwanag pa ng heneral, nagpapakita lamang din ito na maaring may halong dayuhan ang nagtangkang kubkubin ang lungsod ng Marawi.

Kuwento naman ng ilang mga sundalo, hindi tulad sa ibang mga rebelde na umaatras kung nasusukol pero ang Maute ay kakaiba raw at handang mamatay.

Samantala nilianw din naman ni Brig. Gen. Padilla na hindi magsasagawa ng carpet bombing ang AFP sa Marawi para sa mas malawak na bombing runs.

Aniya, wala raw kapabilidad na air assets ang Philippines Air Force na magdala ng maraming mga bomba.

Nitong araw ay nasa Day 30 na ang Martial Law sa rehiyon ng Mindanao na naging mitsa ang ginawang pagsalakay ng Maute terror group sa lungsod ng Marawi.