Napili ni Ginebra guard Maverick Ahanmisi ang numero 00 para sa paparating PBA Commissioner’s cup ngayong susunod na buwan.
Unang napili ni Ahanmisi ang numero 30 ngunit bilang respito sa Ginebra legend na si Erik Menk ay numero 00 na lamang ang kanyang pinili.
Sa kanyang mga nakaraang koponan ay nagsuot siya ng jersey number 13 at dadalhin niya sana ito sa koponan ng Ginebra ngunit ginamit na rin ito ng isa pang legend na manlalaro na si Jayjay Helterbrand.
Kaya pinili niya ang numero 00 bilang bahagi bagong yugto sa knayang karera sa basketball.
Bago na-trade sa koponan ay nag-average ito ng 13.7 points, 5.9 rebounds, 3.8 assists, at 1.2 steals sa Converge.
Nakamit ng 33-anyos ang kanyang pinaunang kampeonato sa koponan ng Rain or Shine sa kanyang rookie season noong 2016 Commissioner’s Cup.
/ Tropio Anuada /