-- Advertisements --
Ipapakita ng Dallas Mavericks ang kanilang pagmamahal sa dating manlalaro nila na si Luka Doncic na nasa Los Angeles Lakers na.
Dadayo kasi ang Lakers sa Dallas para sa laro nila ngayong araw.
Bilang pasasalamat magbibigay ang koponan ng mga t-shirts sa mga fans na may nakasulat na “Hvala za vse” na isang salitang Slovenia na ang ibig sabihin ay “Thanks for everything”.
Ayon sa Mavs na bibigyan nila ng pagkilala si Doncic sa nasabing laro.
Magugunitang ikinagulat ng maraming basketball ang paglipat ni Doncic sa Lakers kapalit ni Anthony Davis noong buwan ng Pebrero.