-- Advertisements --

Nahaharap sa malaking hamon ngayon ang Dallas Mavericks sa pagsisimula ng Game 2 NBA Finals nila sa Boston Celtics.

Bukod kasi sa hawak ng Celtics ang 1-0 na kalamangan ay sa homecourt pa nila ito gaganapin.

Malaki rin na hamon sa Dallas ang kuwestiyonableng paglalaro ng kanilang superstar na si Luka Doncic.

Ayon sa koponan na hindi pa nila tiyak kung makakapaglaro ito dahil sa kaniyang thoracic contusion bukod pa sa kaniyang right knee sprain at pamamaga sa kaniyang left ankle.

Wala namang nailista ang Celtics na manlalaro na may injury na nangangahulugan na lahat sila ay makakapaglaro sa Game 2.

Magugunitang tinambakan ng Celtics ang Dallas noong Game 1 sa score na 107-89 kungsaan pinangunahan ni Jaylen Brown ang laro na nagtala ng 22 points, anim na rebounds, dalawang assists, tatlong steals at tatlong blocks.

Habang ang Mavs ay pinangunahan ni Doncic na mayroong 30 points, 10 rebounds, isang assists at dalawang steals.

Isang malaking kahihiyan din sa Mavs noong Game 1 ay nalimitahan lamang ang kanialng team assists ng hanggang siyam dahil sa higpit na depensa ng Celtics.