Walang sasayangin na panahon ang Dallas Mavericks at kanilang tatapusin ang Western conference finals nila ng Minnesota Timberwolves.
Bukod sa homecourt nila gaganapin ang laro ay isang panalo na lamang para makapasok sila sa NBA Finals.
Gaya aniya ng ginawa ng Boston Celtics sa Indiana Pacers ay nais din ng Mavericks na ma-sweep 4-0 ang Tiimberwolves.
Wala pa kasi sa kasaysayan ng NBA ang nakabangon ng 0-3 na deficits sa playoffs.
Base sa datus na sa 20 koponan na natalo sa unang tatlong laro ay 15 dito ay sweep habang tatlo sa kanila ang nakapasok sa limang laro.
Isa ring magandang balita para sa Mavs ay ang muling paglalaro ng kanilang forward/center Maxi Kleber.
Ang 32-anyos na si Kleber ay nagtamo ng third-degree dislocation ng AC joing ng kaniyang kanang balikat.
Nakamit nito ang injury sa Game 6 ng first round playoffs ng Mavs laban sa Los Angeles Clippers.
Kuwestiyonable ring maglaro sa Game 4 ang center ng Mavericks na si Dereck Lively II na nagtamo ng sprained neck noong Game 3.
Si Lively ay mayroong average na 8.3 points, 7.1 rebounds at 1.1 blocks.