-- Advertisements --

Doble kayod ang ginawa ng Brooklyn Nets upang mahabol ang 17 puntos na kalamangan ng Dallas Mavericks bago tuluyang maitumba sa iskor na 102-99.

Nanguna sa opensa ng Nets sina James Harden na may 23 points at 12 assists at si Kevin Durant na may 24 points upang ipatikim sa Mavs ang ikalimang sunod na talo.

Bagamat tumipon si Luka Doncic ng 28 points, inalat naman siya sa three point areas.

Maging ang diskarte ni Kristaps Porzingis na may 17 points at 12 rebounds ay hindi rin umubra.

Sa ngayon umabanse na sa record ang Nets sa 17-7, habang ang Dallas ay nasadlak naman sa 11-12.