Nagpasabog ng season-high na 30 points si Dirk Nowitzki sa kanyang huling home game upang ibigay sa Dallas Mavericks ang 120-109 panalo kontra sa Phoenix Suns.
Kasabay nito, inanunsyo na rin ng 40-year-old German legend ang kanyang pagreretiro sa NBA matapos ang 21 seasons sa iisang franchise.
“This is obviously super, super emotional,” wika ni Nowitzki. “Just too many people to really thank. I put you guys on a helluva ride with a lot of ups and downs, and you guys always stuck with me and supported me, so I appreciate it.”
Nanggaling sa 14-time All-Star ang unang 10 puntos ng Dallas sa loob ng unang tatlong minuto.
Nahigitan din ni Nowitzki ang huli nitong 21 na season-high sa pamamagitan ng isang 3-pointer sa pag-uumpisa ng third quarter.
Dadalhin sa San Antonio ang season finale ng Dallas, pati na rin ang huling laro ni Nowitzki sa kanyang career bukas.
Umasiste rin si rookie Luka Doncic na tumipon ng triple-double na 21 points, 16 rebounds at 11 assists upang ialay sa Dallas.
Sa kabilang dako, hindi naman nagbunga ang 51 points ni Jamal Crawford para sa huling laro ng Suns ngayong season.
Dahil dito, hawak ng Phoenix (19-63) ang worst record sa Westhern Conference sa ikaapat na sunod na season.