-- Advertisements --

PInalawig ng Dallas Mavericks ng limang taon ang kontrata ng kanilang superstar na si Luka Doncic.

Nagkakahalaga ang nasabing kontrata ng $207 milyon supermax rookie extension.

Ang 22-anyos ay siyang unang manlalaro na nabigyan ng rookie max extension dahil sa dalawang beses na itong nakasama sa first-team-All-NBA.

Mismong si Mavs owner Mark Cuban at coach Jason Kidd kasama ang ilang opisyal ng koponan ang nagtungo sa Ljubljana, Slovenia para ipresenta ang kontrata kay Doncic.

Sinabi naman ni Doncic na labis siyang natutuwa dahil sa nasabing kontrata.

Pagkakataon na aniya nito na mapalawig pa ang kaniyang Luka Doncic Foundation.