-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Dallas Mavericks na matatagalang makakapaglaro ang kanilang guard na si Kyrie Irving sa natitirang NBA season.

Ito ay matapos na magtamo siya ng torn ACL sa kaniyang kaliwang tuhod.

Nakuha ng 32-anyos na manlalaro ang injury sa first quarter ng laban nila ng Sacramento Kings.

Naging malaking hamon na ito ngayong Dallas dahil sa mayroon ding adductor injury ang isan nilang manlalaro na si Anthony Davis at ilang manlalaro.

Ang nine-time All-star na si Irving ay mayroong average na 24.7 points, 4.8 rebounds at 4.6 na assists kada laro.