-- Advertisements --

Isa pang NBA superstar ang hindi rin mapapanood sa Christmas Day games matapos na isailalim din sa quarantine si Dallas Mavericks All-Star guard Luka Doncic.

Liban kay Luka, una na ring inilagay sa health and safety protocols ng liga ang mga teammates na sina Trey Burke, Tim Hardaway Jr., Maxi Kleber at Josh Green.

Bago ito, si Doncic ay hindi rin nakasama sa games ng limang sunod-sunod na laro dahil sa injury, pero balak na sana nitong ipasok ng koponan bukas sa laro kontra sa defending champion na Milwaukee Bucks.

Dahil sa pangyayari, tiyak na ring hindi makakalaro sa Christmas day games si Luka laban naman sa Utah Jazz.

Batay sa patakaran ng NBA kailangan ng isang player na nasa isolation na makapagbigay ng dalawang COVID negative tests sa loob ng 24-hour period pero kung hindi, aabutin pa ito ng 10 araw para sa quarantine bago makabalik sa team.