Tiniyak ni Dallas Mavericks star Luka Doncic na hindi malala ang natamo nitong sprain sa kanyang kaliwang bukong-bukong.
Una rito, nakuha ni Doncic ang injury sa pagkatalo ng Mavs sa Los Angeles Clippers sa Game 3 ng kanilang best-of-seven Western Conference Series.
Tila nabali kasi ang bukong-bukong ni Doncic nang nadulas ito sa unang minuto ng laro.
Ngunit mas lumala naman ang injury nang bantayan ang nagda-drive na si Kawhi Leonard sa huling apat na minuto ng third quarter.
Ayon sa 21-year-old sensation, hindi naman umano grabe ang kanyang injury.
“It’s not that bad,” wika ni Doncic. “Honestly, I had luck it’s my left ankle. It’s not my right. It’s a little sprained. We’ll know more tomorrow.”
Pero sinabi naman ni Dallas coach Rick Carlisle, sasailalim si Doncic sa MRI sa araw ng Sabado o Linggo sa Pilipinasupang malaman kung gaano kalala ang pinsala.
Hindi pa raw nila masiguro sa ngayon ang magiging status ni Doncic para sa Game 4 sa araw ng Lunes.
“The game is early Sunday, which doesn’t help things, but we’ll see,” ani Carlisle. “We’ve got every advanced treatment modality that you can have, as every team here does. We’ll see how this responds in the next 36 hours.”