Hindi umubra ang 39 points 7 rebound performance ni Dallas guard Luka Doncic para tuluyang patumbain ang Cleveland Cavaliers 113 – 110.
Bukod kay Luka, mistulang inalat na kasi ang iba pa nitong kapwa Dallas players kung saan tanging ang bench na si Seth Curry ang sumama kay Luka upang maipanalo sana ang laban, gamit ang 19 points sa loob lamang ng 28 mins.
Habang sa panig ng Cavs, tatlong player nito ang kumamada ng mahigit 20 points bawat isa sa pangunguna ng Sentro na si Jarrett Allen. Kumamada si Allen ng 24 points at 23 rebounds sa kabuuan ng game.
Sinundan naman ito ng bench na si Caris LeVert na gumawa ng 29 points 7 assists at 22 points ang ambag ng forward na si Isaac Okoro.
Dalawang minuto bago matapos ang huling kwarter sa naturang laro, hawak ng Mavs ang 1-pt lead, 105 – 104. Agad namang nagpasok si LeVert ng isang 3 pointer at nagawang umangat mula sa Mavs.
Hindi agad nakasagot ang Mavs at sinundan pa ito ng Cavs ng dalawang magkasunod na 2-pt shots.
Labingwalong segundo bago matapos ang laro, nagawa ng Mavs na maibaba ang 6-pt lead ng Cavs sa pamamagitan ng isang 3-pointer ni Luka, 113 – 110.
Agad ding nakuha ng Mavs ang posession matapos nito at tinangka ang isang 3-pointer para maitabla sa 113 ang laban ngunit hindi na naipasok ni Luka ang huling attempt.