-- Advertisements --

Kumamada sina Luka Doncic at P.J. Washington ng tig-29 points matapos pangunahan ang Dallas Mavericks sa 119-110 Victory laban sa host Oklahoma City Thunder sa Western Conference semifinal series sa tig-isang panalo.

Naitala ng Mavericks ang 18 3-pointers, ito ang pinakamataas nilang kabuuan para sa 2024 postseason.

Nagdagdag si Doncic ng 10 rebounds at pitong assist, habang kabilang din ang 5 sa 8 mula sa 3-point range.

Ang 29 points ni Washington ay isang playoff career high, nang ito ay tumama ng 7 sa 11 3-points na pagtatangka at nagdagdag ng 11 rebounds bago na-foul out sa huling bahagi.

Pinangunahan naman ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder na may 33 puntos sa 13-of-24 shooting, at nagdagdag siya ng 12 rebounds at walong assists.

Nagrehistro naman si Jalen Williams ng 20 puntos.

Magaganap ang Game 3 ng serye sa Dallas sa Sabado, at Game 4 naman sa Lunes.