-- Advertisements --

Mistulang baliwala kay Dallas Mavericks superstar Luka Doncic ang nakuhang foul trouble matapos mamayani pa rin sa huli ang team laban sa Atlante Hawks, 103-94.

Umabot lamang kasi sa 28 minutes ang inilaro ni Doncic makaraang matawagan siya ng ika-limang foul sa 11:07 minutes sa third quarter.

Sa katunayan kumamada pa ng triple double performance si Doncic nang iposte ang 18 points, 10 rebounds at 11 assists na kanyang ika-siyam na ngayong season.

Malaking tulong din naman sa Mavericks ang ginawang 22 points mula kay Reggie Bullock na nagtala ng anim na 3-pointers.

Sa ngayon parehas na may tig-isang panalo na ang magkaribal na team sa banggaan nila sa dalawang regular-season games.