-- Advertisements --
Nagsilang ng malusog na baby boy ang actress na si Max Collins sa asawang si Pancho Magno.
Kinumpirma ng kampo ng dalawa ang pagsilang sa unang anak ng dalawa nitong Lunes.
Magugunitang nais ng actress na gawin na lamang nito ang panganganak sa bahay dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus sa pagamutan.
Noong Disyembre ng ianunsiyo ng dalawa ang pagbubuntis ni Max at nitong Marso ng ihayag ang magiging kasarian ng anak.