-- Advertisements --

Kinumpirma ng actress na si Max Collins na hiwalay na sila ng asawang actor na si Pancho Magno.

Sinabi nito na inaprubahan na ng US ang inihain nitong divorce laban sa asawa nitong buwan ng Oktubre.

Dahil sa American citizen ang actress kaya doon na lamang niya sa US ito naghain ng divorce.

Nagkasundo na lamang ang dalawa na mag-co parent sa kanilang anak na lalaki.

Noong Disyembre 2017 ng ikasal ang dalawa kung saan noon pang 2021 ng mapabalitang hiwalay na sila subalit walang kumpirmasyon sa dalawang panig.