-- Advertisements --
Nabiktima ng data breach ang Health maintenance organization (HMO) na Maxicare.
Ayon sa National Privacy Commission na natanggap nila ang data breach notification nitong Hunyo 16.
Sa imbestigasyon ng Department of Information and Communications Technology – National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT), nagsimula ang leak ng nadiskubre ng threat actor ang kaniyang login at password credential sa sa internet.
Naidownload ng threat actor ang mga available na data.
Nagtutulungan na ang DICT-NCERT sa NPC kung saan handa silang magbigay ng tulong sa Maxicare.