-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture na target nilang magpatupad ng maximum suggested retail price para sa mga imported na bigas.

Ayon sa kay Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., sa ngayon ay pinaplantsa nila nag naturang plano bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na mapababa ang retail price ng bigas sa bansa.

Pangarap ng ahensya na mawala na sa mga merkado ang P60 per kilo na bigas dahil patunay lamang ito ng pag-iral ng ‘profiteering’.

Sa ilalim ng maximum suggested retail price, tutukuyin kung magkano lang dapat ang pinaka sagad na presyo ng bentahan ng imported na bigas sa mga merkado.

Kaugnay nito ay kinumpirma ng kalihim na nakatakda silang makipagpulong sa DTI, BPI at BIR.

Plano rin ng ahensya na mailabas ang guidelines para sa pagpapatupad ng maximum suggested retail price ngayong buwan.