-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kahit na nakabantay sa mga raleyesta sa isinagawang rally nitong pang-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte matagumpay pa ring naipatupad ang maximum Tolerance ng Davao City Police Office (DCPO) at Task Force Davao (TFD).
Dakung alas 9:00 ng umaga nang magsimulang mag-ingay ang mga militanteng grupo laban sa SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang pinakiusapan ni Davao City Acting City Mayor Sebastian ’Baste’ Duterte ang mga raleyesta na nire-respeto ng lokal na pamahalaan ang karapatan ng lahat, lalong-lalo na ang mga gustong magparating ng kani-kanilang hinaing sa pamahalaan, at magsagawa ng mapayapang pagtitipon upang iparating ang kanilang petisyon sa pamahalaan.