-- Advertisements --

Pasok na sa Paris Olympics ang Filipino-Ivorian fencer na si Maxine Esteban.

Siya ang unang babaeng African single fencer na pasok sa Olympic.

Sinabi nito na labis ang kaniyang kasiyahan dahil sa pagpasok niya sa Olympics.

Dagdag pa nito na hindi lamang ito ang pagtatapos dahil sa makakaharap nito ang mga magagaling na fencer sa buong mundo sa Paris Olympics.

Nakumpleto nito ang final Olympic qualifiers sa Washington DC kung saan kahit na natalo siya sa second round match at nakakulekta naman ito ng puntos para makapasok sa Olympic.

Bilang may dugo pa rin na Pinoy ay umaasa ito ng may mga Filipino fencers na makapasok sa Olympics.