-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mayo 25, 2020 bilang regular holiday dahil sa observance ng Eid’l Fitr.

proclamation
Proclamation 944

Ang nasabing deklaration sa pamamagitan ng Proclamation 944 ay pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ibinase ang nasabing declaration sa rekomendasyon mismo ng National Commission on Muslim Filipinos.

Nagpapaalala rin ang pangulo na kahit holiday ay dapat obserbahin din ang ipinapatupad na panuntunan ngayong coronavirus pandemic.