-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may pangalawang batch pa na mga barangay officials na sasampahan ng kaso dahil sa pakikilahok sa partisan politics sa campaign period para sa 2019 midterm elections.

Ito ang inilahad ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III matapos ihain sa Commission on Elections (COMELEC) ang reklamo laban sa 52 barangay officials na umano’y nangangampanya sa mga kandidato sa national at local elections.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Densing, ninilaw nito na hindi siya nagbibiro na sampahan ng kaso ang mga pasaway barangay officials.

Napag-alaman na batay sa Joint Resolution ng Civil Service Commission at COMELEC, mahigpit na ipinagbawal ang pakikilahok sa electioneering at partisan political activity.

Aniya, maliban sa perpetual disqualification, maari ring makulong ng isa hanggang anim na taon ang isang barangay official kapag napatunayan na nilabag ang Sec. 264 ng Omnibus Election Code.