-- Advertisements --

Tatlong oras mula nang magbukas ang mga presinto ganap na alas-6:00 ng umaga, nakapagtala na ng ilang aberya sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) at maging sa ilang lalawigan.

Tulad na lamang sa Bernabe Elementary School sa Pasay City kung saan nakaranas ng tinatawag na paper jam ang isang vote counting machine kaya kinailangang ulitin ang pagpasok sa balota ng isang botante.

Mabilis naman ang naging pagresponde ng IT (Information Technology) staff ng nasabing paaralan.