Posibleng maharap sa kasong kriminal at kanselasyon ng prangkisa ang may-ari at operators ng MV Mercraft 2 sakaling mapatunayan sa isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard na nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang parte na nagresulta sa pagkapamatay ng ilang pasahero.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, ito ay depende na rin sa makakalap na mga ebidensiya at magiging direksyon ng imbestigasyion.
Nasa kustodiya na ng PCG ang kapitan ng MV Mercraft na nasunog nitong araw ng Lunes, May 23 kung saan 7 lulan nito ang nasawi.
Ayon sa PCG official inaasahang makukumpleto na ang imbestigasyon sa loob ng isang linggo matapos maisumite ang report sa Department of Transportation.
Samantala, hinimok ni Polillo Island Mayor Cristina Bosque ang komaniya na suspendihin ang operasyon nito dahil sa napag-alamang kaparehong insidente din ng Mercraft tragedy ang nangyari noong December 2017.
Alarming aniya ang naturang insdente dahil pangalawang beses na itong nangyari.
Maaalala na nasa 127 lahat ng pasahero ng MV Mercraft kabilang ang 7 kumpirmadong namatay matapos na masunog sa gitna ng dagat ang naturang fast craft vessel sa Real,Quezon.