CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalake sa pamamaril sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Ali Cermino,may-ari ng isang boarding house sa Phase 1 Apo Sandawa Homes Barangay Poblacion Kidapawan City.
Ayon kay Kidapawan City Chief of Police, Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na palabas na ang biktima at pasakay sa kanyang motorsiklo papunta sana sa kanyang farm sa Antipas Cotabato ng bigla itong barilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga namaril sakay ng motorsiklo patungo sa di matiyak na direksyon.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay ng magtamo ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Hustisya naman ang sigaw ng mga kamag-anak at pamilya sa pamamaslang kay Cermino.
Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.