DAVAO CITY – Tiniyak ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na gagawa ng imbestigasyon ang City Legal Office para sa kasong posibleng isampa laban sa property developer DMC Urban Property Developers Inc. (DMC-UPDI) na nagmamay-ari ng Ecoland 4000 Residences kung saan nagtamo ito ng maraming pinsala matapos ang magnitude 6.5 na lindol kahapon.
Una nang inihayag ng alkalde na pinadalhan na umano ng notice of condemnation ang nasabing gusali bago pa man nangyari ang lindol kahapon matapos makitaan ito ng mga bitak sa naunang lindol na nangyari sa nakaraang araw dahilan kaya hindi na umano ito ligtas para sa mga residente.
Samantala sinabi naman ng mayor na pinayuhan na umano nito ang mga nagmamay-ari ng gusali sa lunsod na magsagawa ng structural integrity sa kanilang mga gusali matapos ang malakas na pagyanig.
Nabatid na nasa siyam ang nagtamo ng minor injuries matapos ang matinding pinsala sa nasabing condominium.