-- Advertisements --

Hahabulin ngayon ng Department of Trade and Industry ang may-ari ng isang Takoyaki business na unang umamin na bahagi lamang ng kanilang promotional strategy ang nag-viral na April Fool’s prank kamakailan.

Ayon sa ahensya, wala kasi itong kaukulang promotional permit para magsagawa nito.

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na maaari itong managot dahil sa hindi nito pag-secure ng kaukulang DTI sales promo permit.

Kaugnay nito ay naglabas din ng paalala ang DTI na ang pagbibigay ng permit para sa mga isasagawang promo na ayon sa standards ay bahagi ng kanilang mandato.

Sakali man aniya na mag-aaply ang mag-ari nito ng permit, hindi pa rin ito papasa sa pamantayan ng ahensya.

Nilinaw naman ng DTI na wala itong kapangyarihan na suspendihin o kanselahin ang mga business permit.

Gayunpaman, kung maghain ng reklamo, maaaring i-refer ng DTI ang kaso sa local government unit, na nagbibigay ng business permit.

Tumanggi naman ng may-ari nito na si Carl Quion na magkomento sa inilabas na pahayag ng DTI.