Kinikilala na ang mga may-ari ng mga sasakyan na nakalista sa inilabas na memo ng PNP Maritime sa Dapitan City.
Nanawagan naman si PNP Matitime Group Director CSupt. Marcelo Morales sa mga may-ari ng mga naturang sasakyan na bolunyaryo nang makipag-ugnayan sa mga autoridad upang ma-clear ang kanilang sarili kung hindi totoo Ang impormasyon sa memo.
Sa ngayon iniimbestigahan na ng PNP-maritime group kung paano nag-leak ang kanilang confidential memo patungkol sa pitong sasakyan na umano’y may dalang mga improvised explosive device (IED).
Una rito, inamin ni Morales na ang memo na kumalat sa social media ay authentic at totoong inisyu ni SPO4 Allan Pestañas, ang hepe ng PNP maritime sa Dapitan City port area.
Nilinaw naman ni Morales na ang impormasyon tungkol sa mga umano’y IED’s sa pitong sasakyan na nakalista sa memo ay hindi pa verified o valdiated.
Aminado si Morales na ang memo ay hindi dapat isinapubliko dahil ito ay inisyu sa mga shipping companies sa Dapitan para lang maalerto sila sa mga naturang sasakyan kung sakaling isakay ang mga ito sa kanilang mga roro ferries.
Ang memo ay bahagi lang ng normal na information sharing na ginagawa sa pagitan ng mga trusted partners, bilang pag-iingat sa anumang possibleng bantang terrorista.