Dumalo sa pagdinig ng Senado ang may-ari ng MV Mirola 1 na si Mary Jane Ubaldo.
Ang Mirola 1 ay isa sa mga barkong tumagilid at sumadsad sa Bataan noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina, kasama ang MV Jason Bradley at MT Terra Nova.
Sa pagdalo ni Ubaldo sa Senate Committee on Environment and Natural Resources and Climate Change, ikinuwento nito kung paano tuluyang sumadsad ang Mirola 1 habang nananalasa ang bagyong Carina noong Hulyo.
Kwento ni Ubaldo, naka-angkla lamang sa pwerto sa Navotas ang kanyang barko bago ang pananalasa ng bagyong Carina ngunit dahil sa nabahala ang caretaker ng barko, pinili umano niyang umalis at ilipat ng pwesto ang barko, gamit ang isang tugboat.
Gayunpaman, habang inililipat ay tuluyang naputol ang connecting cord. Dahil sa panic, tumalon umano ang caretaker papunta sa tugboat at pinabayaan na ang Mirola 1 na sumadsad sa kung saan.
Nilinaw din ni Ubalde na hindi nasangkot sa ‘paihi’ system ang kanilang mga personnel.
Tinanong kasi ni Senator Francis Tolentino kung totoong nakasuhan ang ilang mga tauhan ng Mary Jane Ubaldo noong nakalipas na taon dahil sa pagkakasangkot sa ‘paihi’ system o ang pagnanakaw ng krudo mula sa tanker vessel at ilalabas gamit ang mga mas maliliit na banka.
Pero sagot ni Ubaldom hindi ito totoo.
Kasama ang Mirola 1 sa tatlong barkong naglalaman ng mga petrolyo na lumubog at sumadsad noong nanalasa ang bagyong Carina. Naglalaman ang Mirola 1 ng 3,000 litro ng langis noong sumadsad ito sa baybayin ng Mariveles.