-- Advertisements --
NAIA TERMINAL 2

Tumataginting na kalahating milyong piso ang iniaalok na pabuya ng may-ari ng naiwang maleta sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa sinumang makapagbibigay impormasyon ng suspect na kumuha ng kanyang bagahe sa naturang paliparan.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumapag ang sinasakyang eroplano ni Maricor Flores na isang cosmetic manufacturer.

Nang sumakay ito ng sasakyan ay hindi nito sinasadyang maiwan ang kanyang bagahe.

Sa kuha ng CCTV, makikitang kinuha ng isang lalaki ang bagahe.

Ayon kay Flores , buong akala niya ay nabitbit na niya ang kanyang bagahe na naglalaman ng mga mamahaling alahas at mamahaling bag ngunit hindi ito napasama sa mga binitbit ng kanyang driver.