CENTRAL MINDANAO 3- Selos sa negosyo ang nakikitang na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang negosyante sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Rene Macasa Galaraga, 55, may asawa at may-ari ng RGA Pawnshop sa Kidapawan City.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ramel Hojilla, kalabas lamang ng biktima galing sa paglalaro ng bowling at dumaan ito sa Quezon Boulevard sa syudad ng Kidapawan para bumili ng balot.
Bigla na lamang nilapitan si Galaraga ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang M16 armalite rifle.
Mabilis namang tumakas ang mga namaril sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Naisugod pa ng mga nagrespondeng pulis ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa naturang pagpata sa negosyante.