-- Advertisements --

Tukoy na ng umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung sino ang may-ari ng van na ginamit sa pagsabog sa Lamitan, Basilan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, may ideya na sila sa pagkakakilanlan ng van owner at sa kung sino ang nakabili sa nasabing sasakyan.

Batid na rin ng umano ng militar ang pagkakakilanlan ng napatay na driver na umano’y courier lamang ng mga pampasabog.

Pero hindi na idinetalye pa ni Arevalo ang mga impormasyon dahil may ongoing operation pa ang militar hinggil dito.

Sa ngayon, palalakasin pa ng militar ang kanilang focused military operations (FMO) laban sa teroristang grupo.

Una nang inamin ng alkalde ng Lamitan Mayor Rose Furigay na may natanggap silang extortion demand sa teroristang grupo.

Nasa P50,000 kada buwan ang hinihingi ng bandidong grupo sa mga alkalde ng iba’t ibang munisipyo sa lalawigan.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Arevalo na ammonium nitrate ang nakitang traces na ginamit bilang improvised explosive device.

Magugunitang sinabi na noon ni Samantala, una ng ibinunyag ni Western Mindanao Command spokesperson Ltc. Gerry Besana na nasa 40-50 kilos na ammonium nitrate ang nasa loob ng van na sumabog.

Sinabi ni Besana na ang ammonium nitrate ay niluto sa gasolina na hinaluan ng oil na siyang nakitang traces sa isinagawang post blast investigation.

Aminado ang AFP na hirap na rin ang Abu Sayyaf na makakuha ng mga mortars at gawing IED kaya ammonium nitrate na ang kanilang ginagawang explosives.