Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang sapat na ebidensyang sangkot sa “ghost” dialysis scandal ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sinabi ni Pangulong Duterte, kaya uunahin nito ang mga taga-WellMed Dialysis and Laboratory Center sa Novaliches, Quezon City dahil sa patuloy na pag-claim ng PhilHealth payment para sa dialysis ng pasyenteng matagal ng patay.
Ayon kay Pangulong Duterte, iniuutos nito sa National Bureau of Investigation (NBI) na mag-take-over sa kaso at simulan ng ipatawag ang mga opisyal ng dialysis center.
Kung mapatunayan daw ang fraudulent claims, agad arestuhin ang mga opisyal ng WellMed.
“So wala akong ano sa kanila kasi ‘yung mga — karaming mga hospital. I don’t know if doctors are involved. They are charging, overcharging or charging for nothing para ring ghost deliveries ‘yung… Treating patients. They are fictitious already because they are dead but they are on the list getting the dialysis,” ani Pangulong Duterte.