-- Advertisements --

Pinayapa ni NBA superstar Stephen Curry ang mga fans ng Golden State Warriors.

Marami kasi sa kanilang followers ang nabahala dahil sa pagkawala ng mga batikang players nitong mga nakalipas na araw.

Sa ngayon, si Curry na lamang ang pinaka senior sa team matapos lumipat si Kevin Durant at iba pa.

Sinabi ng GSW star na pangungunahan niya ang bagong mukha ng warriors sa pagpasok ng bagong season ng NBA.