-- Advertisements --

May Christmas treat ang inspirational Diva na si Jamie Rivera sa mga Pilipino ngayong panahon ng health crisis.

Sa naging pahayag ni Jamie sa Star FM Baguio, ibinahagi nito na ang awiting “Ber months na naman” ay kanyang handog para sa mga Pilipino ngayong pandemya.

Magiging kakaiba man umano ang selebrasyon ng kapaskuhan ngayong 2020 ay umaasa pa rin ito na mananatili ang tradisyon at diwa ng kapaskuhan sa bansa kahit sa panahon ng new normal.

“Para sa akin, yung message nung song it tells about the tradition ng Christmas nating mga Pilipino. Merong part kasi dun sa song, very applicable siya to what’s happening now. Ngayon, na kahit walang regalo dapat okay lang yun. Kahit wala kang matanggap na regalo this coming Christmas, intindinhin mo yun na it’s the new normal”

Nakilala si Jamie Rivera sa kanyang mga hits gaya na lamang ng “Hey It’s Me” “Mahal Naman Kita” at “Heal Our Land”