Mahigit 200 katao ang inaresto ng mga pulis sa Turkey dahil sa pagsasagawa ng hindi otorisadong kilos-protesta sa unang araw ng Mayo.
Ilan sa mga demonstrador sa Istanbul ang nahuling lumalabag sa patakaran na ipinatupad ng bansa para kontrolin ang third wave ng coronavirus.
Tuwing May 1 ay pinangungunahan ng mga manggagawa at unyon ang kilos-protesta bilang parte nang paggunita sa International Labor Day celebration ng mga bansa.
Hindi pa rin nagpahuli ang mga ito na magsagawa ng rally sa kabila nang nararanasang pandemic na sumira sa maraming kabuhayan at nagdulot ng pagsadsad ng ekonomiya ng buong mundo.
Sa ibang bansa naman ay nagpakalat ng malaking bilang ng mga otoridad upang tugunan ang posibilidad ng kaguluhan at tiyakin na nasusunod ang mga umiiral na health protocols.
Naging mapayapa naman ang kilos-protesta na isinagawa sa mga bansang Germany, Russiam Spain, Swede, United Kingdom, at Pilipinas.
Kalaunan ay nauwi sa marahan na panghuhuli ang rally sa Turkey matapos magkasagupaan ng mga raliyista at mga pulis.
Ayon sa opisina ng gobernador sa Istanbul, mahigit 200 katao ang inaresto matapos nilang subukan na pasukin ang Taksim Square, isang symbolic area sa bawat kilos-protesta.
Halos 34 na indibidwal naman ang inaresto sa Paris, France makaraang pagbabatuhin ng ilang raliyista ang mga pulis. Nasa 300 rally naman ang inorganisa sa Paris at iba pang syudad tulad ng Lyon, Nantes, Lille at Toulouse.