Magkakaroon ng “significant effects” sa operasyon ng militar kapag pinaboran ng Korte Suprema ang inihaing petisyon para pigilan ang pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero na maaapektuhan ang kanilang mga nakalinyang operasyon laban sa ibat ibang threat groups sa Mindanao sakaling ipatigil ng Korte Supremaang pagpapatupad ng Batas Militar.
” Siyempre meron, we expect na magkakaroon siya ng ano significant effects sa operations namin considering that bulk of yung operations natin will be in Mindanao, and we will be relying and depending on some of the Martial Law powers,” pahayag ni Guerrero.
Giit ni Guerrero na umaasa sila na papakinggan ng Korte Suprema ang kanilang mga paliwanag dahilan na kanilang inirekumenda na palawigin pa ng isang taon ang Batas Militar sa Mindanao.
Malaking tulong ang Martial Law sa pagsasagawa ng militar ng mga checkpoint operations, vigilance at visibility payrols at ang pinalakas na military operations laban sa mga teroristang grupo.
Sa kabilang dako, tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakahanda silang magpaliwanag sa Supreme Court sa sandaling ipapatawag sila.