-- Advertisements --
Sa simbahan na ang tuloy ng magkasintahang sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Camarines Sur governor Migz Villafuerte.
Inanunsyo ni Rachel ang kanilang engagement sa kanyang ibinahaging larawan sa Instagram.
Habang si Villafuerte naman ay idinaan sa Facebook ang anunsyo kung saan ipinagmalaki nito na nakuha na niya ang matamis na “yes” ng Pinay beauty queen.
Bumandera naman sa mga larawan ang ibinigay na engagement ring ni Villafuerte.
“Your girl’s getting hitched,” saad sa post ni Peters.
Maaalalang bahagi ng Top 10 ng Miss Universe 2017 si Peters, samantalang si Villafuerte ang nakaupong gobernador ng Camarines Sur mula noong 2013.
Ipinagdiwang nila ang kanilang ikalimang anibersaryo noong Hulyo.