-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng World Health Organization (WHO) ang pababa na trend na bilang ng mga COVID-19 cases at mga namamatay sa nakalipas na isang buwan sa buong mundo.

Ayon kay WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, maituturing daw itong good news.

Kabilang daw sa kapansin pansin ang ilang bansa na bumuhos ang pagbabakuna ay bumababa ang insidente ng infections.

Gayunman, may ilang bansa naman na kung pag-uusapan ay bad news dahil may mga lugar na tumaas pa ng apat na beses ang dinapuan ng virus o dumami ang mga namatay.

Inihalimbawa pa niya ang ilang bansa sa Africa, Americas at Asya na ang iba ay problema pa rin ang supply ng mga bakuna.

“The inequitable access to vaccines has demonstrated that in a crisis, low-income countries cannot rely on vaccine-producing countries to supply their needs. We have seen it before with HIV, when people in low- and middle-income countries couldn’t access lifesaving antiretroviral treatment,” ani Dr. Ghebreyesus. “We have seen it with diabetes, where insulin is priced high despite having been around for more than a century. The COVID-19 pandemic has shown that relying on a few companies to supply global public goods is limiting, and dangerous.”