-- Advertisements --

Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief P/D/Gen. Ronald Dela Rosa na may halong pulitika ang hakbang ng International Court (ICC) sa hakbang na imbestigahan ang war on drugs, lalo na ang mga kaso ng extra judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Tiniyak ni Dela Rosa, na magiging transparent ang PNP sa gagawing imbestigasyon ng ICC.

Giit nito na ang mga napaulat na mga extra judicial killings sa bansa ay hindi state sponsored, lalo’t walang direktang utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniya na patayin nito ang mga drug suspects.

Kumpiyansa si PNP chief na mapapatunayan din ng mga imbestigador ng ICC na hindi state sponsored ang mga nangyayaring patayan sa bansa.

Wala namang nakikitang problema si Dela Rosa kung kanilang ibahagi ang kanilang data, pero dapat aniya ay sundin ang proseso.

Sa ngayon hindi pa nagkakausap sina PNP chief at Pangulong Duterte kaugnay sa hakbang ng ICC.

Binatikos naman ni Dela Rosa si Magdalo Rep. Gary Alejano na isang dating Navy officer na aniya ay wala itong alam sa operasyon ng PNP.