-- Advertisements --

Pinawi ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang pangamba ng ilang grupo kaugnay sa maaaring maging negatibong epekto ng pagkansela sa peace talks.

Ayon kay Galvez sa panayam ng Bombo Radyo, wala na rin namang nararating ang pag-uusap kaya ito tuluyang inihinto ng gobyerno.

Gayunman, may mga localized talks naman na maaaring isakatuparan, kung desidido ang ilang rebel leaders na makamit ang kapayapaan.

Subalit kung may mga karahasan, nakahanda naman aniya ang pwersa ng pamahalaan para harapin ang epekto ng nasabing mga aksyon.

Ilalabas naman ang implementing rules and regulation (IRR) para sa local talks sa lalong madaling panahon.