-- Advertisements --
Good news ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.
Ayon kasi sa mga energy sources, may kalakihan ang ipatutupad na bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes.
Ang kerosene ay mayroong pinakamalaking rollback na papalo sa P1.50 hanggang sa P1.80 kada litro.
Malaki rin ang bawas sa diesel na nasa P1.30 hanggang sa P1.60 kada litro.
May pinakamababang rollback nama nang gasolina na nasa P0.80 hanggang P1 kada litro.
Sinabi naman ni Energy Department Assistant Director Rodela Romero, ang rollback ay dahil ang Estados Unidos ay naglabas ng bagong interest rate hike sa monetary policy para matugunan ang inflation.
Kasama na rin dito ang malaking build up sa imbentaryo ng Estados Unidos sa kanilang krudo.