-- Advertisements --
image 415

Good news ang sasalubong sa lahat ng mga motorista sa susunod na linggo.

Mayroon kasing malakinang rollback sa presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo.

Ang kerosene ang may pinakamalaking rollback na papalo sa P1.90 hanggang P2.20 kada litro.

Sinundan ito ng diesel na may tapyas na P1.70 hanggang P2.00 kada litro.

Habang ang gasolina ay may rollback na P1.20 hanggang P1.50 kada litro.

Inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.