May namataan na ring lava fountaining sa gilid na bahagi ng Taal volcano, maliban sa ibinubugang lava at abo sa crater nito.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, hindi pa nila masabi kung may mas malakas na pagsabog na aasahan, ngunit nananatili itong posibilidad, lalo’t nananatili sa alert level 4 ang bulkan.
Nakapagtala na rin ng 144 volcanic quake sa nakalipas na mga oras sa Taal, Batangas at mga karatig na lugar.
Sinusuri na rin ng ahensya ang mga bitak na naitala sa ilang lugar upang mabigyan ng pagtaya kung mapanganib ang mga lugar na iyon.
Samantala, inaalerto naman ng DOST ang mga nasa Southern Tagalog at Bicol region dahil maaaring maging papunta sa silangan ang direksyon ng hangin simula bukas na inaasahang magdadala ng abo mula sa bulkan.