LAOAG CITY – Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mga bagong lugar at pamilya na makakatanggap ng benepisyo mula sa Bayanihan to Recover as One Act matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay DSWD USec. Rene Glen Paje, sinabi nito na patuloy na binabalangkas ng ahensya ang mga panuntunan o guidelines para sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Aniya, isa sa mga target nila ay maging maayos ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan at hindi matulad sa unang pamamahagi ng Social Amelioration Program kung saan nagkaroon ng umano’y anomalya.
Ikinalungkot din ni Paje ang pagsuspinde ng Ombudsman sa 89 na mga barangay chairmen dahil sa umano’y anomalya sa pagbibigay ng first tranche ng Social Amelioration Program.