Bukas si Sen. Panfilo Lacson sa usapin ng Charter change (Cha-Cha) kung limitado lamang ito sa economic provisions.
Ayon pa kay Lacson, sakaling magkasundo ang House of Representative at ang Senado kung Constituent Assembly o Constitutional Convention ang sistema ng gagawing pagbabago sa saligang batas open siya subalit dapat sa economic provision lamang.
Sa paninindigan ng House na isusulong ang cha-cha sa pamamagitan ng Con-Ass kahit walang partisipasyon ang Senado sinabi ng opisyal na maari naman na i-test ng House ang constitution subalit sa huli ng Supreme Court pa rin at ang taumbayan ang magdedesisyon.
Umaasa si Lacson na posibleng makalusot ang Cha-cha sa kasalukuyang Duterte administration kung ito ay lilimitahan lamang sa economic provision.