Binalaan ni PNP chief General Oscar Albayalde ang mga publiko, lalo na sa mga nagpo-post sa social media at nag-aakusa ng mga indibiduwal na wala namang mga pruweba o ebidensiya na mananagot ang mga ito sa batas lalo pa’t mayroon nang umiiral na Anti-Cybercrime Law.
Ang babala na ito ni Albayalde ay kasunod ng mga serye ng “Ang Totoong Narcolist” na nasa ikaapat na episode na ngayon.
Ayon kay Albayalde, kahit wala pang lumalapit sa PNP na complainant ay iimbestigahan ito ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).
Nilinaw naman ni Albayalde na ang gagawing pag-iimbestiga ng PNP-ACG sa nasabing mga videos ay hindi kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
“Marami kasing mga nagpapatattoo na gusto nila dragon e. Yung symbol of dragon it’s authority, yung tapang, virtue ng dragon halos lahat tayo gusto natin dragon talaga hindi ba. Masama naman siguro kung butiki yung papatattoo mo kaya usually lalo na yung mga gusto magpakita na tunay lalaki ang gusto nila ay dragon palagi yung nasa dibdib, likod or braso nila,” wika ni Albayalde.
Panawagan din ni Albayalde sa publiko na huwag basta magpapaniwala sa mga nakikita sa social media.