-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Oscar Albayalde na magkakaroon ng rigodon sa kanilang liderato simula sa Hunyo.

Ayon kay Albayalde, naging masyadong busy lang ang kanyang schedule sa unang buwan ng kanyang panunungkulan kaya sa susunod na linggo o sa Hunyo na siya makikipagpulong sa PNP Oversight Committee na pinamumunuan ng Deputy Chief for Operations.

Dito raw niya malalaman kung sino sa mga opisyal na dapat tanggalin o ilipat ng ibang puwesto.

Binigyang-diin ng PNP chief na ‘yaong mga opisyal na hindi nagpe-perform sa pagsulong ng kanilang internal cleansing program ay nanganganib na masibak.

Pero hindi naman aniya sisibakin agad ang mga ito, bagkus ay bibigyan lang muna ng warning para sa pagkakataon na maipakita ang magandang accomplishment.