-- Advertisements --
Isang bagong rubber gate ng Bustos Dam ang inilagay kahapon, ayon sa National Irrigation Administration.
Sinabi ni Josephine Salazar, director ng NIA-Central Luzon, na pinalitan ng local contractor na ITP Construction Inc. at ng Chinese supplier nitong Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd. ang may sira na rubber gate.
Aniya, ang rubber gate ay inflated na at ang huling test sa operability nito ay nagsimula na.
Samantala, ang limang iba pang rubber gate ng dam ay siniyasat para sa structural integrity.
Hindi naman makapag-imbak ng labis na tubig na inilalabas mula sa Angat Dam ang Bustos Dam habang nire-rehabilitate ang Rubber Gate No.5.